2 most wanted leaders ng lawless group, 1 pa patay sa engkwentro

Injured Killed
0 1

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANG ACITY- Kinumpirma ng militar na nasawi ang dalawang itinuturong lider ng lawless group sa magkahiwalay na engkuwentro na nangyari sa pagitan ng tropa ng Philippine Army (PA) ng 44th Infantry Battalion sa bayan Lapuyan at Margosatubig sa Zamboanga Del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Yegor Rey Barroquillo Jr. ang commander ng 44th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA), napatay sa engkuwentro ang tinaguriang most wanted leader ng lawless element na si Amih Andi na nag-operate sa bayan ng Lapuyan at ang kasamahan nito na si Ambak Magusan na nangyaring sagupaan noong Huwebes malapit sa dalampasigan ng Barangay Danganan s nasabing bayan.

Ayon sa opisyal, pagkatapos ng nangyaring engkwentro ay nakatanggap na sila ng intelligence report na malubhang nasugatan si Andi at ang kasamahan nito at namatay din.

Batay sa impormasyong nakuha ng militar na inilibing si Andi sa Barangay Pampang ng nasabing bayan habang ang isa naman ay dinala sa kaniyang tirahan sa Barangay Laperawan sa bayan ng Alicia at doon din inilibing.

Samantala, muling nagkasagupa ang tropa ng 44th Infantry Battalion kasama ng mga miyembro ng PNP sa armadong grupo sa may Barangay Tigbalago, Margosatubig , Zamboanga Del Sur na ikinasawi ng isa pang tinaguriang lider ng lawless group sa lugar na si Rasul Manguda.

Si Manguda ay wanted sa mga kasong murder sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay at siyang nangunguna rin sa mga kaguluhan at extortion activities sa lugar.

Napag-alaman na kaagad pinuntahan ng tropa ng PNP at militar ang nasabing lugar matapos makatanggap ng impormassyon na ginugulo ng grupo ang mga residente sa lugar.

Narekober ng mga otoridad sa lugar ang isang caliber .38 pistol, hand grenade, ilang pakete ng hinihinalang shabu at ang isang pumpboat na ginamot ng armadong grupo.

Kaugnay nito, binigyan ng commendation ng commander ng 1st Infantry Division ng Philippine Army (PA) na si Major General Ricardo Rainier Cruz III ang kanyang mga tauhan kasama ang PNP SA tagumpay ng operasyon laban sa armadong grupo.

“The successes of these operations against lawless elements are attributed to the cooperation of the public to law enforcement authorities. “I commend the army troopers, PNP personnel and local government units for these successes. Our joint
Efforts in the spirit of “Bayanihan” is now reaping positive results”, ang pahayag ni Cruz. (MRDS)