Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 08 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang magsasaka makaraang pagtulungang saksakin ay pinagpapalo pa ang ulo at isinako saka itinapon sa bahagi ng Barangay Namamparan sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ang dalawa na sina Lee Atiwag at Marvin Danglusen, kapwa nakatira sa Barangay Linglingay, bayan ng Gamu, Isabela. Ayon kay P/Insp. Nomer Magno, hepe ng Diadi PNP, may palatandaang pinahirapan muna ang dalawa bago iginapos ng mga di-kilalang kalalakihan kung saan natagpuan naman ng isang magsasaka bandang alas-6:30 ng umaga. Narekober sa crime scene ang isang motorsiklo na nakapangalan kay Efren Atiwag na kapatid ng isa sa dalawa.