2 magnanakaw todas sa mga parak sa QC

Injured Killed
0 2

Date: 26 March 2013
Source: http://www.remate.ph/2013/03/2-magnanakaw-todas-sa-mga-parak-sa-qc/

 

DEDBOL ang dalawang magnanakaw matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa New Manila, Quezon City, Martes ng madaling araw.

Dead on the spot ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na tinatayang 25 hanggang 30 taong gulang, dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 revolver na ginamit nila sa pakikipagbarilan sa mga pulis at isang bolt cutter.

Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta, ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling araw sa 10th Street, Balete Drive, New Manila, QC.

Nauna rito, nagpapatrulya noon sakay ng mobile unit na QC-40 ang mga tauhan ni Supt. Norberto Babagay, ng Quezon City Police District station 11, Galas nang makarinig sila ng putok ng baril sa may 4th Street New, Manila.

Agad tinungo ng mga pulis ang lugar hanggang sa mamataan nila ang isang kulay asul na tricycle na walang plaka na may sakay na ilang kalalakihan.

Sinita umano ng mga pulis ang mga suspek ngunit imbes na huminto ay pinaharurot pa ang tricycle hanggang sa magkahabulan.

Pagsapit sa 10th Street ay pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis kaya napilitan silang makipagbarilan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang magnanakaw habang nakatakas naman ang isa pa sakay ng tricycle.