Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 08 February 2013
Source: Bombo Radyo
GENERAL SANTOS CITY – Kinasuhan na ang suspek na itinuturong suspek sa paggahasa sa magkapatid na kapwa menor de edad.
Ang suspek ay nakilala sa pangalan na si Ariel Imra na residente ng Upper Eskwelahan, Siento Dies, Alabel, Sarangani province.
Ayon kay PO1 May Joy Panuncillo ng Alabel PNP, natulog umano ang dalawang bata nang namalayan na lamang ng isa sa mga biktima na may pumasok sa kanyang ari kaya kinuha ang flashlight at laking gulat na nasa tabi na niya ang suspek.
Una rito si Imra ay pinatulog ng kanilang nakakatandang kapatid na lalaki sa kanilang bahay.
Samantala ang kaso ay inihain na sa piskalya sa Alabel sa pamamagitan ng regular filing.
Hinihintay pa ng pulisya ang warrant of arrest para maaresto na ang suspek.