Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
DAGUPAN CITY – Matapos kantiyawan at pagtawanan ang kaklaseng umutot ay pinag-untog ng isang guro ang dalawa nitong estudyante sa bayan ng Tayug lalawigan ng Pangasinan.
Base sa pahayag ng magulang ng isa sa mga mag-aaral, pinatayo pa umano ng gurong si Rodolfo Marquez ng Legaspi Elementary School ang 10-anyos na anak at kaklase nito matapos pagtawanan ang kaklaseng umutot sa loob ng klase.
Maliban dito ay inutusan din umano ng guro ang dalawang mag-aaral na bigkasin ang mga hindi kanais-nais na salita bagay na pinabulaanan ni Marquez.
Giit nito na hindi niya sinaktan ang dalawa at hindi nito nasubukang nanakit ng kaniyang mga estudyante .
Nagkaayos naman ang pamilya ng dalawang mag-aaral at ang guro matapos itong ireklamo .