Injured | Killed |
---|---|
2 | 0 |
Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Dalawang lalaki ang sugatan matapos pinaulanan ng bala ang kanilang sasakyan sa Q. Abeto St., Mandurriao, Iloilo City kaninang madaling araw.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Lino MaraƱon, 48, na may sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at Nelvin Fernando na may sugat sa kaliwang balikat, pawang mga residente ng Amy’s Subd. sa distrito ng Mandurriao.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay S/Insp. Nestor Santacera, deputy chief of police ng Mandurriao Police Station, nanggaling sa sabungan ang mga biktima kasama sina Edwin Sumaria at Thaddeo Baldeviso ngunit nang makarating sa inaayos na daan sa Q. Abeto St., hinarang ang kanilang sasakyan ng puting van na may kargang limang pasahero at pinaulanan ng bala kung kaya’t nawasak ang windshield.
Na-recover sa crimescene ang 24 na empty shells ng M16 armalite rifle, apat na 9mm pistol at tatlo mula sa .45 caliber pisto