Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 26 March 2013
Source: Phil Star Pang Masa
MANILA, Philippines – Dalawang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang sinalvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Maynila. Sa Quezon City, natagpuan ang bangkay ng lalaki na inilarawan na nasa pagitan ng 25-30 anyos, payat, may taas na 5’5”, nakasuot ng kulay gray na t-shirt na may markang Patimar Seal Specialist at itim na maong pants at may heart shape na tattoo sa kaliwang bahagi ng kanyang likod. Natagpuan ang biktima sa may Block 13, Lot 22, Walnut kanto ng Maple St., Brgy. Greater Fairview sa lungsod ng security guard na si Leonardo Ignacio. Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) nakitaan ng bakas ng pagkakatali ang biktima sa leeg at dalawa nitong kamay na indikasyon na posibleng pinatay ito sa pamamagitan ng pananakal. Sa Maynila, isa ring bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang nakasilid sa itim na trash bag kahapon ng umaga sa harapan ng Smokey Mountain, Tondo, Maynila. Inilarawan ang biktima na may taas na 5’2”, mahaba ang buhok, payat ang pangangatawan, may tattoo na “Just God can save me” sa dibdib at “Nazareno” sa likod ng katawan na natagpuan dakong alas -5:00 ng umaga. Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1 May nakitang mga pasa sa buong katawan at posibleng pinahirapan hanggang sa mamatay ang biktima. – Ricky Tulipat, Ludy Bermudo –