2 lalaki, patay sa pamamaril sa QC

Injured Killed
0 2

Date: 01 May 2013
Source: DZMM ABS CBN

Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa harap ng isang sari-sari store sa Dona Rosario St., Barangay Novaliches, Quezon City.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldeliaga, nag-iinuman nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang mga biktima na kinilalang sina PO2 Zalde Elumba na nagdiriwang pa noon ng kanyang kaarawan, at kasama nitong si Reynaldo Tapay.

Base sa nakasaksi, lasing ang dalawa at naghahamon ng away habang bumibili ng beer sa tindahan.

Nakarinig umano siya ng sunod-sunod na putok ng baril at nakita na lamang na nakabulagta na sa kalsada ang dalawang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib at likod ang nasawing pulis, habang sa sa bandang tainga tinamaan ang kasama.

May nakuhang mga hinihinalang marijuana sa bulsa ni Tapay. Isinasantabi naman ang anggulong pagnanakaw dahil hindi nawala ang wallet at cellphone ng mga biktima.

Nakakuha ng dalawang basyo ng bala ng kalibre 9 mm sa pinangyarihan ng pamamaril habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Report from Zandro Ochona, Radyo Patrol