Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 27 January 2013
Source: http://www.journal.com.ph/index.php/news/provincial/43700-2-lalaki-itinali-binalot-ng-masking-tape-pinagbabaril
STA. MARIA, Bulacan — Nakatali ang mga kamay at paa, binalot ng masking tape ang mga ulo at mukha at may mga tama ng bala ng baril sa katawan nang matagpuan ang dalawang lalaki 7 a.m. kamakalawa sa Sitio Paigkas, Bgy. Bulac.
Ayon sa pulisya, inaalam ang mga pagkakakilanlan ng biktima. Ang isa ay nakasuot ng itim na jacket, maong na pantalon, semi-kalbo at may tattoo na “Elmer” sa kaliwang hita at may taas na 5”6. Ang pangalawa naman ay nakasuot ng asul na polo shirt, itim na short pants, 5″4′ ang taas at tadtad ng tattoo ang buong katawan.
Ang mga bangkay ay natagpuan ng isang Remegio Bernard, residente ng Sitio Paigkas, Bgy. Bulac ng nabanggit na bayan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ni Chief Inspector Dra. Edith Martinez, ng Bulacan Scene of the Crime Operatives, kapwa may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.
Hinihinalang pinatay sa ibang lugar ang mga biktima saka itinapon lamang sa bukid upang lituhin ang mga pulisya.
Kasalukuyang nakalagak ang labi ng dalawang lalaki sa Grace and Glory Funeral Homes.