Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
VIGAN CITY – Nakaligtas ang dalawang lalaki matapos barilin ng suspek habang binabantayan ang tobacco curing barn sa Barangay Tapao, Sinait, Ilocos Sur.
Nakilala ang mga biktima na sina Rodrigo Ilar, na taga Tapao, Sinait, at Reggie Guzman, nakatira sa Barikir, Sinait.
Habang ang suspek ay kinilalang si Gerry Palafox ng Brgy. Pagetpet, Badoc, Ilocos Norte at pinaghihinalaang miyembro ng gun-for-hire.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay S/Insp. Arsenio Ramos, ang dalawang biktima ay nagbabantay ng tobacco curing barn nang tambangan sila ng suspek.
Ngunit napag-alaman na si Guzman ay may kinakaharap noon na kasong homicide at ito ay tinitingnan ng mga otoridad kung may kaugnayan sa nangyaring pamamaril.
Natagpuan sa crime scene ang 12 basyo ng kalibre .45 baril.
Tumakas ang suspek matapos ang pangyayari at ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad.