2 katao sugatan sa pananaksak ng lalaking may problema sa pag-iisip

Injured Killed
2 0

Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY -Labis-labis ang pagsisisi ngayon ng isang padre de pamilya na inaresto ng mga otoridad dahil sa pananaksak sa dalawang kapitbahay sa San Jose, Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Bobby Castillano, 54.

Depensa ng suspek, may bumubulong umano kasi sa kaniya kung kaya nagawa niyang pagsasaksakin ang mga biktimang sina Melvin Pante, 28, at ang natutulog na si Rolly Sinosin, 16.

Nabigla na lamang umano si Pante na nagluluto nang pasukin ni Castillano sa bahay at pagsasaksakin habang mahimbing naman na natutulog ang menor de edad sa katabing bahay nang atakehin naman ng salarin.

Ayon pa kay Castillano, matagal na umano siyang nakararanas ng problemang ito sa pag-iisip na bigla na lamang aniyang umaatake.

Sa ngatyon, patuloy na ginagamot sa ospital ang dalawang biktima habang nahaharap naman sa kasong frustrated murder si Castillano.