2 insidente ng pagnanakaw ng hinihinalang martilyo gang sa Global City

Injured Killed
0 0

Date: 26 January 2013
Source: by Peter Corpuz Jan 26, 2013 2:50pm HKT , remate.ph

 

GLOBAL, TAGUIG CITY – Galit na binansagang “tulog sa pansitan” ng mga local visitors ang mga security personnel makaraang mabigo ang mga ito na ilagay sa maayos na seguridad ang pamosong business center ng lungsod laban sa mga lawless elements na pinaniniwalaang naglipana doon.

Sa magkahiwalay na insidente ng robbery-related crime na naganap sa 10th at 39th Street sa Global City, dalawang kaso ng pandarambong ang naitala sa Police Blotter ng Investigation and Detective Management Section o IDMS ng Taguig kung saan ay nilimas anila ng mga hinihinalang miyembro ng “Martilyo Gang” ang mga personal na kagamitang nasa loob ng dalawang top-of the line-vehicles na pag-aari ng mga local visitors pagkaraang basagin ang sliding windows nito.

Sa ulat, kinilala ng mga awtoridad ng IDMS ang mga biktimang sina AFP members LCDR Malone B. Agudelo, 36, nakatira sa Sangley Point, Cavite City at retired AFP Officer Arnulfo G. Paunel, nakatira 469 Narra St., Brgy. Cembo, Makati City.

Sa reklamong nakarating sa mga awtoridad, halos magkasunod na kinulimbat ng mga ‘di nakilalang mandarambong ang mga kagamitan ng dalawang biktima habang nakahimpil ang kanilang mga sasakyan ‘di kalayuan sa kanilang place of worship doon sa Global City.

Sinabi ni Agudelo na binasag aniya ng mga unidentified thieves ang kanyang Ford Everest na may plakang PBQ318 habang ganito din ang naranasan ni Paunel sa kanyang sasakyang Isuzu Crosswind na may plakang ZAD209.

Dahil sa pangyayaring ito, nangangamba ang mga local visitors ng Global City na muling maganap ang nakakaligalig na serye ng nakawan na pinaiiral umano ng mga street hoodlums doon sa maunlad na bisinidad ng lungsod.

“These things won’t happened if the security personnel are active in doing their routines, maaaring tulog sila sa pansitan kaya nalulusutan sila ng mga notorius elements,” anila.