Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Nalambat ng mga awtoridad ang dalawang suspect na responsable sa panghoholdap sa isang restaurant at gumamit ng taksi bilang get away vehicle sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon. Sina Juancho Alba, 44 at Marlon Baloca, 39, ay sakay ng isang taksi na ginamit nila nang holdapin ang isang branch ng Red Ribbon. Nadakip sila sa may kahabaan ng Litex Road, ayon kay Superintendent Eleazar Matta,hepe ng Quezon City Police District- Station 6.
Ayon kay Matta, ang dalawa ay itinuturong kasama sa limang responsable sa panghoholdap sa Red Ribbon na matatagpuan sa Commonwealth Avenue Barangay Old Balara noong Sabado kung saan natangay nila ang P63,000 cash.
Si Baloca umano ang isa sa tatlong armadong lalaki na nagdeklara ng holdap, habang si Alba naman ay isa sa dalawang nakasakay sa taxi na nagsilbi nilang get away.
Dalawang patalim ang narekober sa mga suspect nang sila ay maaresto ganap na alas 5 ng hapon. Dagdag ni Matta, nagawa nilang masundan ang mga suspect sa pamamagitan ng operator ni Alba na nagsabi na tanging si Alba lamang ang gumagamit ng nasabing sasakyan. Nauna nang natukoy ng awtoridad ang may-ari ng taxi na may markang “MVBS” at plakang TYL-501 na ginamit ng mga suspect nang isagawa ng mga ito ang panghoholdap.