Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
Patay ang dalawang miyembro ng holdup-robbery gang member nang makasagupa ang mga elemento ng San Pablo Community Police Station kaninang ala-1:00 ng hapon sa may bahagi ng Brgy. Sta. Ana, San Pablo City.
Ayon kay CALABARZON regional police director C/Supt. Benito Estipona, nakasagupa ng mga pulis ang dalawang hindi pa nakikilalang mga armadong suspek.
Nakuha sa posisyon ng dalawang suspek ang isang cal. 38 revolver at isang cal. 45.
Nabatid na sinusundan ng mga suspek ang isang Indian national na nagpapautang.
Ayon kay Estipona, nararamdaman na umano ng negosyanteng Indian ang banta sa kaniyang buhay kung kaya’t isinumbong na nito sa pulisya at humingi ng tulong.
Nagpaputok pa ang dalawang suspek sa mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.