Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 November 2013
Source: Journal Online
DALAWANG ginang na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa mga kabataan ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (SAID-SOTG) kamakalawa ng hapon sa Taguig City.
Hindi na nakapalag sina Lolita Manaig, 54, at Marilou Acdal, 43, kapwa residente ng 83 Narra St., ISG Village, Bgy. Pinagsama ,nang dakpin ng mga tauhan ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng SAID-SOTG, makaraang tanggapin ang P1,500 na markadong salapi kapalit ng tatlong sachet ng shabu dakong alas-4:30 ng hapon.
Ayon sa pulisya, naging sakit na ng ulo ni Barangay Chairperson Ma. Victoria Balidoy ng Bgy. Pinagsama ang halos araw-araw na reklamo ng ilang mga magulang sa lugar hinggil sa umano’y pagkahumaling ng ilang menor-de-edad sa iligal na droga kaya’t ipinabatid na niya ang problema kay Taguig police acting chief Supt. Annie Bodanio.
Ilang linggo ring tinik-tikan ng mga tauhan ng SAID-SOTG ang aktibidad ng dalawang ginang batay na rin sa direktiba ni Bodanio hanggang magawang makipagtransaksiyon ni PO2 Jerry Balbin na nagpanggap ng buyer na nagresulta sa pagkaka-dakip sa dalawa.