2 estudyante at 1 pa arestado dahil sa iligal na droga

Injured Killed
0 0

Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo

CAUAYAN CITY, Isabela – Naaresto ng mga otoridad ang dalawang estudyante at isang binata dahil sa paggamit at pag-iingat ng iligal na droga.
 
Inaresto ng mga pulis ng Ilagan City Police Office ang dalawang mag-aaral sa kolehiyo makaraang mahuli sa aktong gumagamit ng marijuana sa Bagumbayan, lungsod ng Ilagan. 
 
Ang mga nadakip ay nakilalang sina Cesar Angelo, 19, at Jerome Bueno, 20, kapwa residente ng Ilagan at mag-aaral sa kolehiyo. 
 
Sa imbestigasyon ng pulisya nahuli ang dalawa na aktong gumagamit ng marijuana sa Mabini St., Barangay Bagumbayan. 
 
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang ilang piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana at ilan pang drug paraphernalia. 
 
Ang dalawa ay nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
 
Sa Cabatuan, Isabela ay sasampahan din ng kasong paglabag sa RA 9165 ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong nag-iingat ng marijuana at shabu sa isinagawang drug buy bust operation kaninang madaling araw. 
 
Ang nadakip ay si Christian Pua, 22, residente ng Saranay, Cabatuan, Isabela. 
 
Nakuha sa pag-iingat ni Pua ang ilang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at 18 piraso ng binalot na pinatuyong dahon ng marijuana at ilang drug paraphernalia.