2 dayuhan, 1 Pinoy, patay dahil sa onsehan sa ginto

Injured Killed
1 3

Date: 27 February 2013
Source: http://www.hagupit.ph/index.php/news/national-news/6782-2-dayuhan-1-pinoy-patay-dahil-sa-onsehan-sa-ginto

TATLONG lalaki ang patay, kabilang ang dalawang dayuhan, ma­ta­pos na holdapin sa Barangay Balubal, Cagayan de Oro City.

Kinilala ni C/Insp. Lemuel Gonda, Operations and Plan Branch ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), ang mga biktimang dayuhan na sina, Michael Hatcher, Nigel Cosans tubong Inglatera at ang namatay na si Melanio Labarda, Jr.

Nakaligtas naman ang kanilang kasamahan na si Albert Bucayag.

Ayon kay Gonda, nakipag-negosasyon ang dalawang dayuhan at dalawang Pinoy sa pitong mga suspek tungkol sa ibinebenta nila umanong mga gold bars, subalit di nila inaasahan na magresulta ang negosasyon sa ‘’double cross.’’

Sa ulat, sakay ang mga biktima ng isang maroon na Isuzu crosswind, nang harangin ito ng mga suspek at dinala sa kagubatan.

Tinatayang nasa P100,000.00 na halaga ng alahas at pera ang natangay ng mga suspek.

Sa ngayon ay may grupo ng tinututukan ang mga imbestigador subalit ayaw pa nila itong ibunyag para hindi maparalisa ang kanilang isinasagawang operasyon.

Kasong robbery at multiple homicide ang isasampa ng CDO-PNP laban sa mga salarin.