Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 27 May 2010
Source: Pilipino Star Ngayon
2 carnapper todas sa shootout Ni Ricky Tulipat (Pilipino Star Ngayon) Updated May 27, 2010 12:00 AM |
MANILA, Philippines – Dalawang pinanini walaang carnapper ang nasawi makaraang ma kipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police ka hapon ng madaling araw sa naturang lungsod.
Isa sa mga suspect na nasa edad na 25-30, 5’7 ang taas, ka tam taman ang panganga tawan, nakasuot ng gray na t-shirt, at itim na short pants at blonde ang buhok; habang ang isa naman ay nasa edad na 30-35, may taas na 5’6, katamta man ang katawan, m o reno, nakasuot ng asul na t-shirt at puting short pants.
Ayon sa pulisya ang mga suspect ay nasa bat ng tropa ng District Police Intelligence Ope ratives Unit (DPIOU) mobile patrol unit ha bang nagsasa gawa ng visibility patrol sa may kahabaan ng Elliptical road laban sa lawless criminals na gumagala sa gabi.
Binanggit pa sa ulat na nangyari ang insi dente sa pagitan ng Maharlika St., at Elliptical Road sa tabi ng NHA central office sa Brgy. Old Capitol Site ganap na alas-12:30 ng ma daling-araw.
Nagpapatrulya uma no ang tropa ng pulisya lulan ng mobile car – 127 sa na turang lugar nang maispatan ng mga ito ang isang motorsiklo lulan ang dalawang ka lala kihan.
Agad nila itong si nun dan, at pagsapit sa Maharlika ay pinara nila ang mga suspek, ngunit sa halip na huminto ay pinaharurot ng huli ang dalang motorsiklo da hilan upang magkaroon ng habulan.
Pagsapit sa may Elliptical road, ay biglang nagpakawala ng putok ang angkas ng motor siklo sanhi upang gu manti ng putok ang mga awtoridad.
Matapos ang ma ikling palitan ng putok, nakitang nakabulagta sa lugar ang dalawang biktima na pawang may katabing kalibre 38 baril.
Naniniwala ang pu lisya na kinarnap la mang ng mga nasawi ang dalang motorsiklo na walang plaka at tila dinistrungka pa ang susian nito. Narekober din sa tabi nila ang isang bag na pambabae na naglalaman ng identification card na may pangalang Editha Vas quez ng Golden Touch Massage center na may tanggapan sa 101 Ka mias Road Quezon city.
Hinala rin ng pulisya, posibleng galing sa panghahablot ang bag na narekober sa mga suspect kung kaya na taranta ang mga ito.