Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Labis ang pagkadismaya ngayon ng dalawang negosyante makaraang mabiktima ng mga magnanakaw sa lalawigan ng Albay.
Sa parehong oras, sabay na nadiskubre ng mga biktimang sina Sarah Realuyo y Lomerio, 28, at Safa Monde y Ibrahim, 42, na ang kanilang mga tindahan ay pinasok na ng mga magnanakaw.
Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na kinuha ng hindi nakikilalang mga suspek ang iba’t ibang klase ng cellphone at iPod sa loob ng S. Monde Trading Cellphones Accesories.
Umabot sa mahigit P180,000 ang halaga na natangay ng mga suspek.
Habang aabot naman sa mahigit P10,000 ang nawala sa isang studio.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay nang pangyayari.