2 bomba sumabog sa Maguindanao

Injured Killed
0 0

Date: 13 May 2013
Source: Bombo Radyo

KORONADAL CITY – Naitala ang pagsabog ng dalawang eksplosibo sa Sharif Aguak, Maguindanao ngayong umaga lamang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Supt. Rodelio Jocson, provincial director ng Maguindanao PNP, unang sumabog ang isang M203 grenade launcher alas-2:00 kaninang madaling araw at alas-10:00 nitong umaga lamang.

Ayon kay Jocson, unang sumabog ang nasabing eksplosibo, 20 metro lamang ang layo sa compound ng Division Office ng Sharif Aguak, Maguindanao at mas malapit na ang nangyaring ikalawang pagsabog na may 10 metro lamang ang layo mula sa polling area sa nasabing bayan.

Naniniwala si Jocson na pananakot at pambubulabog lamang ang motibo ng nasabing mga pagsabog.

Siniguro naman ni Jocson na minomonitor nila ito at naka-deploy lahat ng pulisya at militar sa mga polling areas sa buong lalawigan.

Samantala, inihayag din ni Jocson na naantala ng halos apat na oras ang pagboto sa Barangay Manganeg, Tamontaka 4, Maguindanao dahil sa hindi angkop ang balota na nakarating sa nasabing barangay.

Umaabot sa mahigit 600 na mga botante ang hindi pa nakaboto sa nasabing barangay hanggang ngayon.