Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Sa gitna ng paggunita ng Biyernes Santo, dalawa ang binawian ng buhay sa nangyaring pamamaril sa Zone 1, Brgy. Cubay, Jaro, Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PO1 Raul Romero ng Jaro police, nangyari ang insidente noong Biyernes Santo ng gabi.
Nakikipag-inuman umano ang mga biktima na sina Renato Cayanan, 30, at Alberto Lazarte, 48, sa isang lamay sa nabanggit na lugar nang pinagbabaril ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo.
Ayon sa pulisya, inihayag ng mga nakasaksi sa krimen na pawang naka-bonnet ang mga suspek at kaagad tumakas matapos ang krimen.
Ang biktimang si Cayanan ay nagtamo ng multiple gunshot wound habang tama naman sa kaliwang dibdib ang tinamo ng namatay na si Lazarte.
Ang dalawa ay parehong dinala sa West Visayas State University Medical Center.
Ayon sa pulis, dating alitan ang sinusundang motibo sa krimen kung saan ang isa sa mga namatay na si Lazarte ay sangkot sa Catamin murder case na nangyari noong 2008 at ngayong buwan lang nakalabas ng kulungan.
Ang biktima naman na si Cayanan ay kapatid ng itinuturong suspek sa isang shooting incident na nangyari sa nabanggit ring lugar.