2 bangkay natagpuan sa ilog

Injured Killed
0 2

Date: 21 April 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/apr2113/luzon02.htm#.UXONFLVvCC0

 

Dalawang bangkay na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa ilog ng Kaytambog-Pulo sa Bgy. Kaytambog, Indang, Cavite pasado alas-siyete ng umaga kahapon, na kapwa tinaniman ng bala sa ulo ng mga ‘di nakilalang salarin.

Napag-alaman na isang tawag mula kay Bgy. Captain Simeon Romen ang nag-imporma na isang bangkay ng ‘di kilalang lalaki at isang bangkay ng babae ang natagpuan sa ilog habang dumadaan doon ang isang ‘di pina­ngalanang residente.

Unang nadiskubre sa tabing-ilog ang nakabulagtang bangkay ni Merry Fe Gan y Minion, 35-anyos, na tubong Romblon, base sa mga nakuhang gamit sa katawan nito. Wala namang pagkakakilanlan ang isa pang biktima na tinatayang nasa pagitan ng 35-40 ang edad, may taas na 5’4”, kayumanggi, na nakita namang nakalubog sa tubig may ilang dipa lamang ang agwat sa unang biktima.    

Hinala ng pulisya na nilikida ang dalawang biktima sa mismong crime scene sanhi na rin ng narekober na dalawang basyo ng caliber .45 sa tabi ng mga ito.