Injured | Killed |
---|---|
1 | 2 |
Date: 28 June 2013
Source: Bombo Radyo
Patay ang dalawang miYembro ng bandidong Abu Sayyaf group, habang isa ang sugatan sa umano’y isinagawang air strike ng Western Mindanao Command sa kuta ng mga pinaniniwalang miyembo ng Abu Sayyaf na dumukot at may hawak sa magkapatid na Fil-Algerian filmmakers sa sitio Minjay, Patikul, Sulu.
Batay sa report mula sa WesMinCom, kinilala ang mga napatay na bandido na sina Kasim Hajan at Rakman Malim, na umano’y responsable sa pagdukot at pagbihag sa magkapatid na sina Linda Abdel Basit at Nadova Abdel Basit.
Nabatid na dakong alas-11:00 ng umaga kahapon nang magpakawala umano ng bomba ang MG520 attack helicopter ng Philippine Air Force sa pinagkukutaan ng mga bandido.
Habang kinilala rin ang sugatang bandido na si Muhammad Nur Sawajaan, na sinasabing anak ng isang ASG subleader.