Injured | Killed |
---|---|
0 | 2 |
Date: 03 June 2010
Source: http://www.abante.com.ph/issue/june0310/luzon01.htm
18 CAVITE POLICE KINASUHAN SA MAY 10 SHOOTOUT
(Tina Mendoza)
Labingwalong miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ng hepe ng Cavite Provincial Police Office ang pinagharap kahapon ng patung-patong na kaso sa Department of Justice (DoJ) kaugnay ng naganap na Election Day shootout sa Bacoor Cavite kung saan nasawi ang dalawang pulis kabilang ang isang police colonel.
Ang mga pulis na kinasuhan ng double murder, frustrated murder, incriminatory machinations (innocent persons), arbitrary detention, robbery, slight physical injuries at maltreatment of prisoners ay kinabibilangan nina Cavite Provincial Police Office Police Senior Superintendent Primitivo Tabujara Jr., 14 na miyembro ng Regional Police Headquarters Auxiliary Unit-Police Regional Office 4 (RPHAU-PRO-4) na kinilalang sina Police Superintendent Ramil Montilla, Police Chief Inspector Christopher Olazo, SPO1 Ricardo Poblete, SPO1 Janelito Dinglasan, PO2 Wilfredo Casalme, SPO4 Jimmy Narag, SPO2 Ariel Panganiban, PO3 Domingo Garcia, PO3 Salvador Cesma, PO2 Bobby Zamora, PO2 Renato Bayot, PO1 Rafael Rodriguez at PO2 Alvin Sinko.
Kasama rin sa kinasuhan ang tatlong Cavite Police SWAT team na sina PO3 Ronan Musni, PO2 Bienvinido Rosas at PO2 Richard Fermil.
Ang kaso ay inihain batay sa naging reklamo nina Cavite Rep. Plaridel ‘Del’ Abaya at pamilya ng nasawing biktima na sina Police Senior Superintendent Arnulfo Obillos at Navy Petty Officer 2 (PO2) Juanito Paraiso.
Ayon sa abogado ng mga biktima na si Reynaldo Robles ang patung-patong na kaso ay kanilang isinampa batay na rin sa resulta ng naging imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Cavite Police Internal Affairs Office kung saan walang shootout na naganap taliwas sa alegasyon ng mga kinasuhang suspek.