Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 11 June 2013
Source: Bombo Radyo
ROXAS CITY – Desididong magsampa ng kaso ang 18-anyos na dalaga matapos gahasain ng kababayan sa isang resort sa Dumalag, Capiz.
Nakaramdam ng matinding depresyon at pagkahabag sa sarili ang biktima na kinilala lamang kay Inday dahil sa sinapit sa kamay ng suspek na si Harry Haligado, na pareho niya na taga-bayan ng Cuartero.
Ayon kay Inday, nangyari ang panggagahasa matapos lasingin siya nang sumama sa pamamasyal sa Suhot Spring kasama ang iba pang kaanak ng suspek.
Isinalaysay rin ng dalaga ang ilang beses na pagtatangka ni Haligado nang ito’y pilit na halikan at hipuan habang pinaghuhubad ng damit.
Aniya, ilang lugar pa ang kanilang pinuntahan nang naihatid na pauwi ang mga kasamahan bago bumalik sa resort kung saan ito pilit na ginahasa at pinagbantaang patayin.
Umuwi namang duguan ang dalaga na nakaramdam din ng matinding pananakit ng katawan.