18-anyos na babae na-gang rape ng mga nakainuman

Injured Killed
1 0

Date: 04 December 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang dalawang lalaki na inaakusahang responsable sa pag-gang rape sa 18-anyos na babaeng kanilang nakainuman sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Batay sa ulat mula sa San Miguel municipal police station, kinilalaa ng dalawang suspek na sina Libert Villarta Rocamora ng Barangay Mati sa bayan ng San Miguel at si Lloyd Albano Idiang na residente naman ng Pitogo, Zamboanga del Sur.

Sinabi ng may-asawa na biktima, nakipag-inuman pa siya sa dalawang suspek kasama ang iba pa niyang mga kaibigan kasunod ng pagdiriwang ng fiesta ng Barangay Mati.

Nabatid na pawang lasing ang biktima at ang dalawnag suspek at magkasamang umuwi dakong alas-5:00 ng hapon kahapon sakay ng isang motorsiklo.

Pagdating sa liblib na lugar ng nasabing barangay ay puwersahan umano siyang dinala ng dalawang suspek sa loob ng isang bahay sa lugar at doon siya pinagtulungang gahasain ng mga ito.

Pagkatapos magawa ang krimen, iniwan na lamang ng mga suspek ang biktima saka tumakas sakay ng kanilang motorsiklo.

Dumiretso sa himpilan ng kapulisan ang biktima para humingi ng tulong at kaagad naman siyang dinala sa Rural Health Office para sa medico legal examination.

Nahaharap sa kasong rape ang dalawang natakas na suspek.

 

Nakipag-ugnayan na rin ng kapulisan sa mga opisyal ng barangay kung saan nakatira ang mga suspek na makipagtulungan sa kanila para sa agarang pagdakip sa mga ito. (MRDS)