Injured | Killed |
---|---|
15 | 0 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Na-rescue na umano ng militar ang 15 mga sibilyan na pinaniniwalaan na hinostage ng mga rebelde mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Col. Dickson Hermoso, ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.
Ayon sa opisyal, nasa mabuting kamay na ang mga na-rescue na kinabibilangan ng mga guro at estudyante kahit patuloy pa rin ang palitan ng putok.
Napag-alaman na nag-withdraw ang mga BIFF at nadaanan lamang nila na papalayo ang mga sibilyan at hinostage para gawing human shield.
Kaagad namang sinuspinde ng mga lokal na opisyal sa bayan ang mga klase.
Muli aniyang magbubukas pasok kapag nasiguro na ang seguridad sa bayan.
Sa kabilang dako, inihayag din ni Hermoso na imposible na mapasok ng BIFF ang Poblacion ng Midsayap dahil mahigpit ang kanilang pagbabantay at nakapalibot ang militar sa iba’t ibang barangay.