Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 04 August 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Dahil sa pag-aagawan sa nililigawan, isang binatilyo ang sugatan matapos na saksakin ng barbeque stick ng kanyang karibal kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Maynila.
Sa ulat ni SPO2 Gil Gabuya ng Sta. Ana Police Station 6, ipinagharap ng kasong slight physical injury ng biktimang si “Ian”, ng Road 5, Bagong Sikat, Punta, Sta. Ana ang suspect na si “Don”, 16, ng #2575 Tejeron st., Sta. Ana, Maynila.
Naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon nang magkasalubong umano ang dalawa at magpang-abot hanggang sa masaksak ni Don si Ian sa likod ng napulot na barbeque stick.
Ipinagamot sa Sta. Ana Hospital ang biktima dahil sa tinamong saksak sa likod.
Matagal na umanong may alitan ang dalawa dahil sa pagiging magkaribal sa isang dalagitang kapwa nila nililigawan.
Sadyang itinago ang tunay na pangalan ng dalawa upang maprotektahan ang kanilang pagkikilanlan.