Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 24 January 2013
Source: Bombo radyo; Wednesday, 23 January 2013 08:53
DAGUPAN CITY – Hindi matanggap ng isang ina ang sinapit ng kanyang dalagitang anak sa kamay ng kanyang kasintahan matapos itong dalawang beses na gahasain sa bayan ng Calasiao sa lalawigan ng Pangasinan.
Labis ang pagsisisi ng ginang matapos malaman ang ginawang panghahalay ng kanyang 53-anyos na kasintahang si Elisito Idos sa 15-anyos na anak.
Napag-alaman na unang beses ginahasa ng suspek ang dalagita noong buwan ng Setyembre noong nakaraang taon at nasundan noong buwan ng Oktubre matapos siyang ihatid ng suspek patungong Maynila para magpa-medikal.
Hindi inakala ng ginang na nagtungo ang suspek sa kanilang bahay at doon muling hinalay ang anak.
Desidido ngayon ang ginang na sampahan ng kaso ang kasintahan dahil mas mahalaga umano sa kanya ang anak lalo na ngayon na tumigil na ito sa pag-aaral dahil sa trumang sinapit.
Sa ngayon nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Office ang biktima na isinasailalim sa counseling.