15-anyos nabaril ng kaibigan, dedo

Injured Killed
0 1

Date: 06 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bulagta  ang isang bina­tilyo matapos aksidenteng mabaril ng pen gun ng kanyang kaibigan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si John Henry Po­ngaw, 15,  ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang kaibigan nitong si John Cindy Angeles, 17,  ng Phase 2, Bagong Silang ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong  alas-7:20 ng gabi ng maganap ang insi­dente sa Phase 3, Bagong Silang ng naturang lungsod habang nakatambay ang biktima at suspect at iba pang barkada sa naturang lugar nang maglabas ng pengun si Angeles at pabirong tinutok kay Pongaw.

Isa sa mga kaibigan ang humawak sa kamay ng suspect  kung saan aksidenteng pumutok ang pen gun at nahagip sa ulo ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang naturang suspect.