Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 01 May 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Hindi pa maditermina ngayon ng mga otoridad ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng 15-ayos na dalagita sa bayan ng Daraga, Albay.
Kinilala ang biktima na si Mitzel Monreal y Miralles, at residente ng Barangay 31, Baybay Legazpi City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Daraga Municipal Police Station, wala nang buhay at nasa state of decomposition ang bangkay ng biktima ng matagpuan ng kabigang si Lorely Daria na residente rin sa nasabing barangay.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang resulta ng isinagawang otopsiya ng mga otoridad para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.