Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 17 May 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Isa ng malamig na bangkay ang 13-anyos na dalagita nang matagpuan kaninang alas-8:00 ng umaga matapos itong gahasain at sakalin ng kanyang 19-anyos na kapitbahay na si Nory Tahuma Etsopas, isang laborer.
Kinilala ang biktima na si Vanesa Britanico Pabalenas, estudyante at residente ng Purok Daisy Kialma, Barangay poblacion, Norala, South Cotabato.
Sa pahayag ni Norala chief of police C/Insp George Parcon, sinabi nito na galing sa disco ang biktima at bigla na lamang sinakal ng suspek at sapilitang hinila sa taniman ng palay na may layong 50 metro mula sa bahay nito at doon ito ginahasa.
Sa ngayon nasa kamay na ng mga otoridad ang suspek.
Sumasailalim naman sa forensic medical exam ang bangkay ng biktima.