13-anyos, ginahasa ng sariling ama sa Zambo Sibugay; suspek, huli

Injured Killed
1 0

Date: 28 February 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Isa na namang 13-anyos na dalagita na grade 6 pupil ang napaulat na biktima ng panggagahasa ng sarili niyang ama sa Barangay Bagong Silang sa bayan ng Mabuhay, lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), unang lumapit ang biktima sa kanilang barangay kapitan para humingi ng tulong makaraang hindi na magawang tiisin ng dalagita ang sunud-sunod na panghahalay ng sariling ama na kinilalang si Felix Cano, 37-anyos.

Kasunod nito, agad pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng suspek at matagumpay na naaresto.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Mabuhay Municipal Police Station, napag-alaman ng otoridad na 11-anyos pa lamang ang dalagitang biktima nang simulang gahasain ng kanyang ama.

Hindi umano nito nagawang magsumbong dahil sa takot sa suspek na ngayon ay nakakulong na at mahaharap sa kasong rape.

Ginagabayan naman ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development sa lugar ang dalagita para madali nitong malampasan ang kanyang sinapit sa kamay ng kanyang sariling magulang. (MRDS)