Injured | Killed |
---|---|
0 | 12 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Umaabot sa 12 mga bangkay ang narekober ng tropa ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng isinasagawang clearing opearation sa may Barangay Sta. Catalina at sa iba pang mga barangay na nasa battle zone sa pagpapatuloy pa rin ng Zamboanga siege.
Ayon sa isang opisyal ng PNP na nasa clearing operation ngayon sa Barangay Sta. Catalina, anim na bangkay na ang kanilang na-recover doon at inaasahang madadagdagan pa ito mamaya.
Pahirapan din umano ang kanilang pagpasok sa lugar dahil binabaril pa rin sila ng mga miyembro ng MNLF na nagtatago sa ilang malalaking kabahayan sa lugar.
Una rito, limang mga bangkaya rin ang nakuha sa may Barangay Sta. Catalina at isa ring bangkay sa may Barangay Talon-Talon kaninang hapon lamang.
Ilan sa kanila ang nagsusuot pa rin ng mga uniporme ng MNLF habang ang iba sa kanila ay nakasibilyan na lamang.
Narekober din ang ilang armas ng mga rebelde at iba pa nilang mga gamit sa mga lugar na una na nilang pinagkukutaan.
Dinala na sa isang punerarya ang mga una nang nakuhang mga bangkay at ililibing sa tradisyon ng mga Muslim. (MRDS)