12-anyos tinext muna bago kinidnap, nakatakas Ni Lordeth Bonilla (Pang-Masa) | Updated February 9, 2013 – 12:00am

Injured Killed
0 0

Date: 09 February 2013
Source: Phil Star Pang Masa

MANILA, Philippines – Kinidnap ng isang la­laking sakay ng motor­siklo ang isang 12-anyos na batang babae kahapon ng madaling-araw at habang humihingi ng ransom ay nagawang makatakas ito sa Calo­ocan City. Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay nakatanggap ng text ang biktima na itinago sa pangalang Eliza, nakatira sa 7th Ave­nue ng lungsod mula sa suspek na nagpanggap itong tatay niya. Nakalagay sa text message na natanggap ng biktima ay pinalalabas siya sa bahay. Sa pag-aakala ng biktima na tatay niya ang kanyang ka-text ay lu­mabas ito ng bahay na siya namang pagdakma sa kanya ng suspek. Agad na binusalan ang biktima at iginapos ang mga kamay at isinakay sa motorsiklo ng suspek. Ilang minuto ang nakalipas ay kinontak ng suspek ang magulang ng biktima at humingi ng P500,000 ransom money bilang kapalit ng kalayaan ng biktima.