12-anyos na dalagita pinatay ng menor de edad dahil lamang sa P80

Injured Killed
0 1

Date: 08 February 2013
Source: Bombo Radyo

NAGA CITY – Inihahanda na ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Tinambac sa Camarines Sur ang kasong isasampa sa menor de edad na nasa likod ng pagkamatay ng 12-anyos na dalagita.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay C/Insp. Winnie Lasala sinabi nitong murder ang kasong kakaharapin ng hindi na pinangalanang suspek.

Samantala sa imbestigasyon lumalabas na galing ng tindahan ang biktimang si Jessabel Erasga makaraang utusan ng kanyang magulang ng habulin ng suspek.

Tinangka umano kasi nitong agawin ang P80.00 sa biktima at hinabol pa makaraang tumakas at manlaban.

Makaraan ng ilang oras natagpuan na lamang na wala ng buhay ang biktima sa isang creek kung saan ito nakataob at wala ng buhay.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang krimen at sinabing nagawa niya lamang na agawin ang pera para may maipambili ng pagkain.

Kilala umanong pasaway sa kanilang lugar ang suspek at napag-alamang hindi na umuuwi sa kanilang bahay.

Sa ngayon nakatakda ring i-turn over sa DSWD ang menor de edad habang inihahanda ang kaso.