12-anyos na anak at ama patay sa away ng kanilang kapitbahay

Injured Killed
0 2

Date: 07 February 2013
Source: Wednesday, 06 February 2013 bombo radyo

LEGAZPI CITY – Dead on the spot ang 47-anyos na lalaki habang hindi naman umabot pa ng buhay sa ospital ang 12-anyos na dalagita makarang madamay sa pamamaril ng kanilang kapitbahay sa Masbate.

Kinilala ang mga biktima na sina Armando Abigan at anak nitong si Eden Abigan ng Sitio Aporong, Brgy Nabangig, Palanas, Masbate.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay P/Supt. Renato Bataller, sinabi nito na bandang alas-6:00 ng gabi habang nasa kanilang bahay ang mga biktima nang bisitahin ito ng kanyang kapitbahay at suspek na si Jojo Buscay.

Malugod naman itong tinanggap ng mag-ama subalit ilang minuto lamang ang nakakalipas, nang bumunot ito ng baril at saka binaril ang dalawa.

Sa inisyal ng imbestigasyon ng mga otoridad, personal na away ang motibo sa nasabing krimen.

Samantala, sa hiwalay na balita, kritikal naman ang 28-anyos na si Emanuel Belen ng Palanas Uson Masbate makaraang pagbabarilin din ng hindi nakikilalang suspek.

Agad naman itong naidala sa Masbate Provincial Hospital kasunod ng insidente.