1 sundalo patay, 3 sugatan sa pinasabog na landmine

Injured Killed
3 1

Date: 12 February 2013
Source: Bombo Radyo

DAVAO CITY – Isa ang patay at tatlo ang sugatan matapos magtanim ng landmine ang mga rebeldeng grupo sa mga tauhan ng 69th IB Philippine Army kaninang madaling araw sa may Brgy Lumiad, Paquibato District , lungsod ng Davao.

Kinilala ang nasawi na si Pfc Cangada, habang ang mga sugatan ay nakilala naman na sina Cpl. Aritalla, Pfc Policarpio at Pfc Galanida.

Ayon kay Lt. Col Lyndon Paniza, tagapagsalita ng 10th ID Philippine Army, papunta ang mga sundalo sa pangunguna ni Lt. Col. Alfredo Pasaporte, battalion commander ng 69th IB Philippine Army sa paaralan na sakop ng Brgy. Lumiad, para sa kanilang ipinapatupad na feeding program sa mga kabataan.

Bigla na lamang umanong pinasabog ng mga NPA ang landmine na siyang dahilan sa pagkasugat ng tatlong sundalo at pagkamatay ng isa pang kasamahan nila.

Sinabi rin ni Paniza, ngayon ang unang araw ng kanilang programa sa Paquibato district na kinabibilangan ng 19 paaralan kung saan magpapatuloy ito hanggang sa matapos ang klase.

Dagdag pa ni Paniza, hindi hadlang ang ginawa ng mga rebelde sa kanilang adhikain sa nasabing lugar.