Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
CAUAYAN CITY, Isabela – Kaagad nadakip ng mga pulis ang isa sa dalawang pinaghihinalaang bumaril sa dalawang tao na ikinamatay ng isa sa Binarsang , Quirino, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, ipinahayag ni S/Insp.Recardo Salada, hepe ng PNP Quirino, na sa kanilang isinagawang operasyon ay nadakip ang nagngangalang Charles Adzuara sa Munoz, Roxas, Isabela.
Ang namatay ay si Adorio Lucas, 53-anyos, hiwalay sa asawa , isang retiradong pulis habang sugatan ang kinakasama na si Edna Adzuara kapwa residente ng Barangay San Juan, Quirino, Isabela.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo si Lucas na agad niyang ikinamatay habang nagtamo naman ng tama sa kanyang dibdib si edna na ngayon ay nasa malubhang kalagayan sa isang pagamutan.
Ayon pa kay Salada, nagbigay ng dying declaration ang biktimang si Edna Adzuara na ang bumaril sa kanila ay ang kanyang kapatid na si Charles Adzuara.
Awayan sa lupa ang sinasabing motibo sa krimen.
Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isa pang suspek.