Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Muling umatake ang mga bandidong grupo kung saan isa ang patay sa Sitio Blasong, Barangay Muloy, Surallah, South Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Sitio Blasong lider Weniefredo Faderable, kinilala ang biktima na si Bonifacio Hukuman, residente ng Purok Buyos, Sitio Sibuyon, Barangay Colongulo.
Ayon kay Faderable, ipinaalam sa kanya ng tiyuhin ng biktima ang pangyayari kagabi.
Pinatay umano ng mga bandido si Hukuman sa loob mismo nga tahanan nito sa pamamagitan ng pananaga at pamamaril sa biktima.
Malaki ang paniniwala ni Faderable na gaya ng mag-asawang Liw na unang pinatay ng mga suspek alam ng biktima ang pinagtataguan ng mga bandido at ito rin ang nagsuplong sa mga otoridad ng ginagawang pagnanakaw ng mga suspek sa kanilang lugar.
Itinuturong mga lider ng mga suspek sina Doming Gal at Dutis Bantawan na may mahigit 20 kasapi.