Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 05 September 2013
Source: By dzmm.com.ph | 09:40 PM 09/05/2013
(UPDATED) Isa ang kumpirmadong patay habang isa naman ang sugatan sa barilan ng dalawang grupo ng mga guwardya sa Burgundy Tower sa Makati City.
Kinumpirma ito ni Sr. Supt. Manuel Lukban ng Makati Police sa panayam ng DZMM kung saan sinabi nitong naganap ang insidente bandang alas-5:40 ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Jimmy Lagunsad, security guard mula Sidekick Secuirty Agency.
Dead on arrival ang biktima sa Makati Medical Center.
Ayon kay Lukban, nagsimula ang insidente nang dumating ang isang sheriff sa gusali para isilbi ang temporary restraining order na inilabas ng korte laban sa board of directors na pinamumunuan ni Wilfredo Serafica.
Kasama ng sheriff ang Sidekick Security Agency.
Ayon sa mga ito, binaril sila ng mga taga-Swag Security Agency na kasama naman ni Serafica.
Kabaligtaran naman ang sinasabi ng Swag Security Agency. Reports from Eric Dastas, Radyo Patrol and Pinky Webb, ABS-CBN News
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/1_patay_sa_barilan_ng_2_grupo_ng_mga_guwardiya_sa_Burgundy_Tower_sa_Makati.html