Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 09 May 2013
Source: Bombo Radyo
KORONADAL CITY – Patay ang isang municipal board of canvasser, habang sugatan naman ang isang supporter matapos ang pagsabog ng grenade launchers sa harapan mismo ng bahay ng mayoralty candidate na si Sahara Ampatuan sa Shariff Aquak, Maguindanao.
Nangyari ang naturang pagsabog bandang alas.6.40 kagabi malapit sa terminal at public market kasunod ng nangyaring brownout sa lugar.
Kinilala ang biktima na si Gardo Tamondok habang hindi pa tukoy ang sugatan.
Dahil dito, inihayag ni Insp. Marlon Silvestre, chief of police ng Shariff Aquak, na patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.
Inaalam din kung may kaugnayan sa pulitika ang motibo sa pagsabog.