Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 04 August 2013
Source: Bombo Radyo
ROXAS CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaibigan nito matapos barilin ng barangay kagawad sa Opening Salvo ng Fiesta ng Panit-an, Capiz.
Malalim na sugat sa dibdib ang dahilan ng pagkamatay ng isang Ronnie Donato, 29, habang sugat sa kanang binti naman si Rustico Diestro, 56, matapos barilin gamit ang 9mm caliber pistol ng suspek na si Basilio Bebis, 36, at kagawad ng Barangay Agkilo sa nasabing bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kasapi ng Panit-an Philippine National Police, may hiwalay na mesa ang mga biktima at suspek ngunit ikinagalit ni Bebis ang pagkuha ni Donato ng isang upuan.
Nagkasagutan pa ang dalawa hanggang bumunot na ng baril ang kagawad at binaril si Donato.
Tutulong pa sana kay Donato si Diestro ngunit binaril din ito ng suspek.
Bagama’t naisugod pa sa Capiz Emmanuel Hospital si Donato ngunit ito ay idineklarang dead on arrival habang patuloy pang ginagamot si Diestro.
Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek na kagawad na agad ding nahuli ng mga otoridad.