1 patay, 4 sugatan sa pamamaril

Injured Killed
4 1

Date: 08 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa ang patay habang apat pa ang sugatan nang paulanan ng bala ng di kila­lang lalaki ang isa sa umpukan ng magkakapitbahay habang nagkukuwentuhan sa  Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Sa Mary Jhonston naisugod ang biktimang si Er­nesto Acul, ng 4-1 Int., 35 Perla St., Tondo, subalit binawian din ng buhay  sanhi ng tama ng bala sa katawan habang ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Me­­dical Center  (JRMMC)  ang suga­tang si Reggie Alcover, 17, ng no. 401 Int., 35 Perla St., Tondo  at sa Gat Andres Bonifacio Hospital naman ginagamot si Primo Zabala, 53, may-asawa, isang street sweeper ng Perla St., Tondo Manila sanhi ng tama ng stray bullet sa katawan.

Hindi na dinala pa sa pagamutan ang nadaplisan ng bala sa mukha na si Zenaida Bitores, 49, biyuda at Benny Bitores, 27

Wala pang pagkilanlan ang suspect na sakay ng itim na motorsiklo.

Sa ulat ni SPO2 Ramir Dimagila ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  alas 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Perla at Quirino Sts., Tondo, Maynila.

Nabatid na habang naki­kipagkuwentuhan ang bik­­tima sa nasabing lugar ay tumigil ang suspect na sakay ng motorsiklo at ma­tapos ang maikling pag-uusap ay agad bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Natamaan din ang nakatalikod na si Alcover na nasa tabi ng biktima at iba pang mga kapitbahay na nadamay ng stray bullet.

Nabatid na nahagip umano­ ng closed circuit tele­vision (CCTV) na nakakabit sa lugar ang insidente kung saan makikitang nakausot ng kulay brown na bull cap at puting t-shirt ang suspect  habang sa di kalayuan ay nakita rin ang isa pang lalaki na nakasakay ng isa pang motorsiklo na hinihinalang kasama ng suspect.