Injured | Killed |
---|---|
4 | 1 |
Date: 11 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines – Niyanig ng dalawang malalakas na pagsabog ang Cotabato City sa Maguindanao kamakalawa ng gabi.
Sa police report, unang sumabog ang bahagi ng Manara Street sa Barangay Rosary Heights 10 kung saan wala namang tinamaan ng shrapnel ng granada.
Makalipas ang ilang minuto habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang pangkat ng PNP-Explosive Ordnance Disposal isa pang malakas na pagsabog ang naganap sa Cafe Florencio sa kahabaan ng Sinsuat Avenue sa Barangay Rosary Heights 7.
Napatay sa pagsabog ang manager ng cafeteria na si Reynaldo Pascua, 40, ng bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Kabilang naman sa nasugatan ay sina Cornelio Inocentis, 38, government employee, ng De Mazenod Street, RH 3, Cotabato City; James Bryan Fernando, 22, waiter, ng ND Village, RH8; Aileen Coquia, 35, ng TV Juliano Avenue, RH 12; at si Winnette Dugay Guerra, 32, ng Sousa Street, RH 13.
Naganap ang pagpapasabog, ilang oras bago ang pagsalubong ng Holy Month of Ramadan na pormal ng magsisimula ngayong araw.