Injured | Killed |
---|---|
23 | 1 |
Date: 14 May 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ngayon ng mga otoridad na walang kaugnayan sa pulitika ang nangyaring straffing incident na sanhi ng pagkamatay ng isang botante at ikinasugat ng 23 iba pa sa Malabang, Lanao del Sur.
Sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo Cagayan de Oro ni Lanao del Sur provincial police director S/Supt. Marcelino Pintac, kinilala ang biktimang nasawi na si Imo MontaƱer na nagtamo ng tama ng bala mula sa mga hindi kilalang kalalakihan.
Sinabi nito na kasalukuyan ding ginagamot ang mga sugatan sa magkaibang pagamutan sa lalawigan at maging sa Iligan City.
Ayon kay Pintac, galing sa pagboto ang namatay na biktima pero nang pauwi na ito ay biglang pinaulanan ng bala na agad ikinasawi nito.
Dagdag pa ni Pintac, malayo ang motibo sa pulitika bagkus tinututukan nila ang anggulo sa bangayan ng pamilya o ”rido”.
Ito na sana ang pinakamatahimik na pagdaos ng halalan sa kasaysayan ng Lanao del Sur simula noong 1987.
Una rito, limang katao rin ang sugatan nang pinasabugan ng isang granada ang Cabingan Elementary School ng Marawi City kahapon ng hapon.
Kabilang sa mga sugatan ang mismong anak ni re-electionist Marawi City Mayor Fahad Salic Sr. na si Fahad Salic Jr.