1 patay, 2 sugatan, sa sagupaan dahil sa agawan ng minahan sa ComVal

Injured Killed
2 1

Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo

DAVAO CITY – Nagkasagupa ang mga armadong tauhan ng pamilya Recaforte at pamilya Calalang dahil sa agawan ng mining area ng Nationwide Development Corporation (NADECOR) na matatagpuan sa King-King, Pantukan, Compostela Valley Province.

 

Ayon kay Police S/Supt. Camelo Casculan, Compostela Valley Province Philippine National Police Director, kahapon naganap ang bakbakan ngunit kaninang umaga pa lamang nila natanggap ang impormasyon.

 

Dalawa ang sugatan sa sagupaan at isa ang patay na nandoon pa rin sa lugar.

 

Kabilang sa mga sugatan ang isang Charlie Celes, watchman ng Recaforte faction na ginagamot sa Davao Doctors Hospital sa lungsod ng Tagum.

 

Tumungo na rin sa mining area ang mga sundalo pulis na pinangunahan ni Police S/Insp. Clifford Nabor, hepe ng Pantukan PNP upang disarmahan at imbestigahan ang mga dawit sa insidente.

 

Ayon kay Casculan maglalagay din sila ng mga tauhan sa lugar upang maibalik ang kapayapaan sa lugar.