Injured | Killed |
---|---|
2 | 1 |
Date: 05 March 2013
Source: Bombo Radyo
GENERAL SANTOS CITY – Blangko pa rin ang otoridad sa motibo sa pamamaril sa Pioneer Avenue, GenSan na ikinamatay ng isang lalaki habang dalawa ang sugatan.
Kinilala ang nasawi na isang alyas Intoy na residente ng Purok Sariff Muksin, Brgy. Baluan sa lungsod.
Ayon kay S/Insp Jovenson Bayona ng Pendatun-PNP, patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa pangyayari para makilala ang mga suspek na umano’y sumakay ng motor nang isinagawa ang krimen.
Sa imbestigasyon, nanonood ang biktima ng larong dama ng mga tricycle drivers nang barilin ng dalawang hindi nakikilalang suspek.
Hindi na nadala sa ospital ang biktima dahil sa tinamo nitong sugat sa dibdib, likod at sa ulo.
Samantala, nagpapagaling na sa pagamutan ang mga sugatan na sina Aranan Onito Bersulo na natamaan sa kanyang bewang at isang hindi nakikilalang bata, isang peanut vendor.
Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang background ng biktima dahil may nakapagsabi na nasasangkot ito sa snatching at nakawan sa lungsod.
Nananatili sa isang punerarya ang bangkay ng biktima matapos wala pang kamang-anak na kumikilala rito.