Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 02 February 2013
Source: Bombo Radyo
BACOLOD CITY – Idineklarang dead on arrival sa isang pribadong pagamutan sa lungsod ng Bacolod ang isang negosyante na binaril-patay sa Purok Water Lily, Barangay Binubuhan, lungsod ng Bago kagabi.
Sa inisyal na pag-usig ng Bago City police station, sinasabing nagpapahinga ang biktima na kinilalang si Manolo Tarrosa, 46, nang biglang pumasok ang apat na hindi nakikilang kalalakihan at pinagbabaril ang biktima.
Sinabi rin ng asawa ni Tarrosa na si Morena, nagpakilalang mga kasapi ng New People’s Army ang armadong kalalakihan kung saan dalawa sa mga ito ang pumasok sa bahay at nagdedemanda na ibigay ang lahat ng kanilang pera dahil kung hindi, kanilang babarilin ang anak ng biktima.
Sugatan naman ang nakakatandang kapatid nito na si Hermoso at anak nitong si Ronnel na pawang nagtamo ng tama ng baril sa magkabilang paa matapos rumesponde sa insidente.
Kabuuang P200,000 ang nakuha mula sa biktima.
Agad namang nakatakas ang mga suspek patungo sa boundary ng lungsod ng Bago at lungsod ng La Carlota.