Injured | Killed |
---|---|
2 | 1 |
Date: 21 April 2013
Source: Bombo Radyo
ILOILO CITY – Isa ang patay at dalawa ang sugatan matapos aksidenteng mabaril ng barangay tanod sa Brgy. Balabag, Pavia, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay SPO1 Jessie Casimero ng Pavia Municipal Police Station, nagwawala sa subrang kalasingan ang biktima na si Mavrick Alado y Abono habang nasa isang concert na isinasagawa sa nabanggit na lugar.
Pinagsabihan umano ito ng barangay tanod na si Nicolas Apisatar y Cuaresmo, 50, residente rin ng nabanggit na lugar at kinuha ang kanyang dalang 12-gauge shot gun subalit aksidente nitong nakalabit ang gatilyo at pumutok at tinamaan ang biktima sa ulo.
Maliban sa biktima, tinamaan din ng bala ang anak ng barangay tanod na si Mark John Apistar at isang James Michael Martinez y Relato.
Confine sa ospital ang dalawang sugatan habang nakakulong naman ang barangay tanod.